Tuesday, October 04, 2005

POEM: Kahapong Lumipas


...maybe some of you after reading the poem may find themselves in the same situation...

Tinangay ng malamig na hangin
ang pag-ibig mo sa akin.
Kasabay inagos ng tubig sa ilog

ang pagsinta mo aking irog.

Nawalan ng halimuyak mga bulaklak mong alay,

kasunod ay ang pagtingin mong wala nang kulay.
Lumipad palayo sa akin ang iyong halakhak,
At ang tangin nakakarinigay ang alapaap.

Binura ng panahon
mga pangako mo sa akin.

Unti unting kumupas
pagmamahalan nating angkin.

Galit ang maririnig sa bibig mong

dati’y matamis manalita,
wala nang ngiti o bakas ng saya
sa maamo mong mukha.

Dati’y ngalan ko ang sinasambit

ng iyong mga labi,
At sa puso mo

ngayon ay may kahati.

Nilimot ng panahon

mga araw nating kay saya,
at ngayon bakas ang lungkot
at buhay ko’y nangungulila.

May lamat na ang pag-ibig

na dati’y kay tibay,
at sa mga pagsubok ng buhay
ngayon di na ikaw ang kaagapay.

Kasing tagal ng pagtigil ng ulan

ang pagluha ng aking mga mata.
Kasing haba ng magdamag

ang tuluyang paglimot sa iyo sinta.

Ikaw at ang pag-ibig mo a

y tuluyan ng gumuhoat
lahat ay magsisilbing alaala
ng kahapong lumipas.

Sa paglubog ng araw mahal ko

isasama ko ang pag-ibig sa puso ko.
Upang sa muli nitong pagsikat

ay makapagsimula
ng panibagong pahina ng buhay ko
at magsilbing tanda na ikaw ay
tuluyang nilimot ko na…


jheng manalang-prado
September 30



(this poem can also be viewed at www.poemsbyjhengmprado.blogspot.com and www.jhengmprado.blogs.friendster.com/jheng)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home