Thursday, April 02, 2009

Thank you sa mga Birthday greetings

Thank you Lord, for another year ahead of me…another chance to show my family and friends how much I love them and how important they are to me…thank you also, di mo ako pinapabayaan…love mo talaga ako! Mwah…

Siyempre dahil nag-birthday ako, marami ang nag-greet sa akin. And once again, I would like to express how much I am grateful and thankful for them for remembering me…(naks drama!!!)

Thank you kay DADDY SHRIMP…mwah..mwah..mwah talga…lalo na kay JENNARD…silang dalawa hinihintay mag 12 midnight para they will be the first to greet me a happy birthday. Siyempre in the morning, sila pa rin ang first na nag-greet kahit di pa nagmumumog…kiss to the max sa akin ang mga boys ko…mwah mwah mwah talga!!!

Thank you din siyempre sa family ko…kay daddy na siyang nagdrive from Manila all the way to Montreal Garden resort sa Pila, Laguna na di ko inakala na napakalayu pala (3 hrs. drive yun ha). Kay mommy ko na siyempre matiyagang tumulong sa pagluluto nung gabi ng March 27 para sa mga foods na bababuin namin the following day…nag-contribute yan ng 5 bottles of POP COLA…nag-luto ng spaghetti, hotdog at walang kamatayang Adobong Manok na nilagyan niya ng Adobo Cheese na galing kay Joanity. Kay Janelle na tumulong sa pagluto ng spag…thank you Nelle kahit na mas abala ka sa paglalagay ng nunal mo sa right eye mo. Siyempre kay Nika na napakalaki ng contribution…maghapong tulog…gumising nung kakain na…tsk tsk tsk…hay Chuba kaya ka lumalapad. Siyempre kay Joan na belated ang greetings dahil nasa Vietnam for a job interview…gud lak sis!!! Lam ko matatanggap ka dyan…aim high…dream high ika nga!

Sa mga pamangkenis ko na kiniss ako nung morning…si Chan na parang ampon na namin, si Chok na best child actor, si Popop na emotero at si Chelsea (a.k.a. Chili Bum Bum) na tawag ng tawag sa akin ng deng…deng…umaga pa lang e kinakatok na ang pinto namin.

May greetings din all the way from Kingdom of Saudi Arabia – from Santos Family – Ate Joy, Kuya Dan, Elian and Eia…Thank you talga lage nyo ko naaalala…Thank you ate Joy sa text mo.

Kung may greetings from Saudi, siyempre may greetings din from United Arab Emirates – hehehehe – kaso si papa Mark lang nag-greet through friendster comment…si Minchiler – nag-deadma effect porket natalbugan ko ang primary photo nya…wahahahahha

Morning palang may text message na rin si Mama Remy na super excited na sa swimming na nagluto ng prito at nilagang talong…thank you!

At thank you sa napaka-excited na tita ko na March 25 pa lang ay binabati na ako sa text ng happy birthday…si Tita Helen yun…akalain mo yun…oopppsss…may gift yan na sandok at cake slicer…love it! Nag-contribute yan ng pasta, nag-libre yan ng dirty ice cream sa Montreal at naglabas ng green tea juice nung gabi pag uwi namin galing sa swimming.

Makakalinutan ba naman ako ng mga best friends ko…siyempre hindi!!! Never!!! May greetings all the way from Bussels, Belgium from Chona baby…sa YM yan e…at siyempre may greetings din through friendster comment and chat from Leyte Laki from best friend Noemi…mabuhey!!! Oo nga pala…umaga pa lang tumawag na sakin yan sa celfone para i-greet ako…akala ko nga nananaginip lang ako e…talga itong best friend ko na ito…lage nag-e-effort…thank you….

Sa mga nagtext ng kay aga-aga na siyang gumising sa akin: kay Mayamang Lawrence; kay Shane na bonggang bongga ang hair color; kay Eric na pinakiusapan ko ng mass intention; kay Ma’am Peachy na napakabait kong boss na may gift na bonggang bonggang Victoria Secret na cologne…ang bango nito.. Thank you din kina Kuya Boggs, Lyn, Pam, Che, Maya, Benet at Vicky…mga nakilala ko before sa ibat ibang occasion na nakakatuwa di nakakalimot. Thank you po.

Thanks din Ate Joyce, Jethra, sa ilang ALC pipol, sa HRDD pala na nagbigay ng SM Gift Card – naku malaking pakinabang yun. Kay Fr. Eric Adoviso na nag-bless sa lahat ng mga March celebrators last Sunday Mass – thank you…Sa AORD pipol – Eloisa, Ate Regie and Sr. Dennis. Kay Dennis at Roy ng CBCPworld – thank you!

Sa nag-comment sa friendter: kay Pao na isa sa mga best friends ni Janelle, kay Gigz at Grathia na mag-sweethearts na kasamahan ko pa sa McDonalds, kay Maricar na tropa ko nung college sa Uste. Thank you.

Sa mga nag-message sa facebook: Rochelle na friend ko rin from UST at sa pinsan ko si Oyet. Sa nag-write sa guest book sa Multiply – Anythingzanthie…thank you…

Sa mga nag-message sa friendster at sa Emails at sa Yahoo Messanger na ayaw pakilala at mas gusto pang maging isang anonymous na lang. Salamat po sa inyo…Sa Birthday Alarm, Sa Netlog saka pala sa Uni Silver – thank you sa coupon.

Sa lahat ng naki-mega beso beso at naki-powerhug…Thank you po….sa mga nakalimutan ko pa po…salamat!!!

Teka may P.S. pa, may mga humabol pa…wahahahhaa...sa sister ko na si Jaramine…hay…I thought deadmatic na ang bday ko sa babaitang ito…kasi busy sa pag-aalaga ng bagong panganak niyang sanggol…hahahhaha!!! Akalain mong nag-messae at nag friendster comment pa ng 3….nakunsensiya…anyway, thank you…sana uwi ka na ulit para kultian na naman tau…kay Jay, thank you din! Kay Regina na close friend ko nung high school…di rin ako nito nakakalimutan…thanks sa message…saka pala kay Cheng na pinsan ko, nagkita kami sa Goldilocks SM Sta. Mesa nung birthday ko, binati na rin niya ako…hehehehe…salalamt!!! Saka kay Donya Chut ng Accounting, ate, thank you ha…wala bang pulburon dyan?